Torpe

>> Sunday, October 19, 2008

Tuwing kita'y makikita ako'y natutulala
Di mapakali, nahihilo at tila nadadapa
Pag ika'y nandiyan mundo ko'y umiikot
Di makagalaw na para bang ako'y nasapot

Bakit ba ganito ang aking nararamdaman
Para akong isang manlalaro na talunan
Para sa iyo, pinipilit kong lakasan
Ang damdamin kong ito na parang ewan

Ngunit 'pag wala ka pilit kang hinahanap
Puso ko'y dinala mo, aking hinahagilap
Magkahalong ligaya at lungkot ang aking nararamdaman
Kapag ikaw, aking sinta ay wala riyan

Pakiramdam ko'y napakaswerte ko
Dahil sa lahat ng babae sa mundong ito
Ika'y akin at ako'y sa'yo
Tunay na pinag-isa ang ating dalawang puso

Kaya huwag kang mag-alala aking mahal
Kahit minsan ako'y isang hangal
Ako 'man ay isang dakilang torpe
Ay mahal na mahal kita ang Bhebhe

0 comments: